Patuloy na inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pag-overshot ng Korean Air Lines sa runway ng Mactan-Cebu International Airport nitong gabi ng Linggo.
Agad na dinala sa iba’t-ibang hotel ang mga pasahero habang inaayos pansamantala ang malilipatan ng mga ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ang Airbus SE A330 flight KE361 ay nanggaling sa Seoul patungong Cebu ng dalawang beses nitong sinubukang mag-landing subalit dahil sa sama ng panahon at malakas na pag-ulan ay nag-overshot ito sa runway sa ikatlong pagkakataon ng muling subukang lumapag.
Humingi na rin ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga naantalang pasahero at tiniyak nito na magsasagawa siya ng imbestigasyon.
Dahil sa insidente ay pansamantalang isinara ang runway ng paliparan.
Ayon naman sa Aviation Safety Network ang nagsasagawa ng mga pag-aaral sa aksidente ng mga pampasaherong eroplano na mula pa noong 1997 ay hindi nagkakaroon ng matinding aksidente ang Korean Air.
“No one was hurt during the incident. All 162 passengers and 11 crew onboard the A330 aircraft were immediately evacuated and tended to by airport emergency personnel. The incident has necessitated the temporary closure of the MCIA runway to allow for the safe removal of the aircraft. For now, all international and domestic flights to and from MCIA are canceled until further notice,” bahagi ng statement ng Mactan Cebu Airport. “We are working with Korean Air, the Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), and the Civil Authority of the Philippines (CAAP) for the swift resolution of this matter. Updates will immediately be given once available.”