-- Advertisements --
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme ngayong Martes, Hulyo 22, 2025, dahil sa malalakas na pag-ulan na dala ng Habagat o Southwest Monsoon.
Naglabas din ng katulad na anunsyo ang pamahalaang lungsod ng Makati nitong Lunes ng gabi, kasabay ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Nauna nang inanunsyo ng Makati LGU ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, alinsunod sa direktiba ng Malacañang.
Suspendido rin ang trabaho sa Makati City Hall, maliban sa mga essential workers tulad ng mga nasa emergency services, seguridad, at critical operations.