Inilunsad ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ang Setyembre 12 bilang Philippine National Cinema Day.
Sa nasabing araw ay mabibili lamang ang tickets sa halagang P100 para sa regular na sa 2D screenings.
Layon ng CEAP ay mabibigyan ng saya ang mga Filipino na mapanood ang kanilang paboritong sine lokal man o international sa murang halaga.
Mabibigyan din ang publiko ng kakaibang karanasan habang nanonood ng sine sa malaking screen at kakaibang tunog.
Sinabi ni CEAP president Irene Jose, na isa itong pagdiriwang sa sine at imbitasyon sa mga Pinoy sa bawat edad para maranasan ang kakaibang kasiyahan.
Ang nasabing inisyatiba ay suportado ng Film Academy of the Philippines (FAP), Film Development Council of the Philippines (FDCP), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at Metro Manila Film Festival through the Metropolitan Manila Development Authority.













