-- Advertisements --

Nagbigay ang isa sa pinakamalaking telecommunications providers sa Pilipinas (PLDT-SMART) ng libreng tawag, text at 250 MB na data para sa mga apektadong customer sa mga lugar na matinding sinalanta ng mga pag-ulang dala ng bagyong Crising at habagat.

Kabilang sa mga lugar na binigyan ng libreng mga serbisyo sa komunikasyon ang mga apektadong subscriber sa Angono, Bataan, Bulacan, Cainta, Las Piñas, Marikina, Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Pasig, Tarlac, Taytay, at Zambales. 

Awtomatikong naka-activate naman na ang libreng tawag, text at data sa mga mobile phone number ng mga customer sa mga nabanggit na apektadong lugar.

Layunin nito na matulungan ang mga sinalantang customer na makatawag sakaling mangailangan ng tulong o matawagan ang kanilang mga mahal sa buhay dahil prayoridad umano nila na manatiling bukas ang kanilang network at serbisyo.

Nananatili ding bukas ang Smart Cares Crisis Hotline na +63288457799 para tulungan ang mga customer na makontak ang kanilang pamilya at makatanggap ng safety advisories.