-- Advertisements --

Inaasahang tuluyang hihina at mawawala sa mga susunod na araw ang southwest monsoon o habagat, ayon sa state weather bureau.

Bunsod nito, posibleng magsimula na rin ang panahon ng northeast monsoon o amihan.

Kapag panahon ng amihan, malamig at karaniwang tuyong klima ang mararanasan kabaligtaran ng habagat, na mainit at maalinsangan at madalas ay may dalang malalakas na pag-ulan.

Samantala, ayon sa weather bureau, hindi inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Halong at tatahakin ang direksyon palayo ng bansa.

Patuloy namang binabantayan ang cloud cluster o kaulapang namataan sa timog-silangan ng bansa na maaaring maging low-pressure area, ngunit tulad ng Halong, ay maliit rin ang posibilidad na pumasok ito sa PAR.