Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, bunsod ng masamang panahon. Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lungsod at lalawigan sa Metro Manila, Cordillera, Region I, at Region III.
Mga pangunahing lugar na may kanseladong klase:
METRO MANILA
Valenzuela City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado.
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (Benguet)
Kabayan, Kibungan, La Trinidad – Walang face-to-face classes; lilipat sa alternative learning modalities.
REGION I (Pangasinan)
Mahigit 30 bayan at lungsod kabilang ang Dagupan, Urdaneta, San Carlos, Lingayen, Bayambang, at Alaminos – Suspendido ang klase sa lahat ng antas.
Asingan at Bugallon – Walang face-to-face classes; gagamit ng distance learning.
REGION III
Bataan – Buong lalawigan, lahat ng antas.
Bulacan (Calumpit, Guiginto, Malolos, Marilao) – Walang face-to-face classes; alternate delivery mode.
Pampanga at Tarlac – Maraming bayan ang nagkansela ng face-to-face classes at magpapatupad ng alternative learning system.
Pinayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso mula sa Local Government Unit at Department of Education (DepEd) para sa karagdagang updates.