-- Advertisements --

Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Visayas at Samar para sa Biyernes, Disyembre 5, 2025, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng papalapit na bagyong Wilma.

Narito ang mga lalawigang nag-deklara ng walang pasok:

Northern Samar

  • Buong probinsya: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Cebu

  • Carcar: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas; lilipat sa alternative learning modality.
  • Naga City: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Leyte

  • Tacloban City: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Negros Occidental

  • Talisay: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Negros Oriental

  • Guihulngan City: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Bohol

  • Calape: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.
  • Garcia-Hernandez: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.
  • Clarin: Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

I-refresh lamang ang page na ito para sa karagdagang updates.