-- Advertisements --
Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Cagayan at Pangasinan ngayong Miyerkules, Nobyembre 12, dahil sa epekto ng Typhoon Uwan (International name: Fung-Wong).
Sa Cagayan, kanselado na ang lahat ng antas ng klase sa Tuguegarao City.
Habang sa Pangasinan, kabilang sa mga lungsod at bayan na nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas ay ang Aguilar, Anda, Asingan, Balungao, Basista, Binmaley, Bugallon, Burgos, Infanta, Laoac, Lingayen, Mangaldan, Mangantarem, Mapandan, Pozzorubio, Rosales, San Carlos City, San Fabian, San Manuel, San Nicolas, at Santo Tomas.
Sa Dagupan City, suspendido narin ang klase mula Kindergarten hanggang Senior High School, habang sa Santa Barbara, walang pasok ang Pre-school hanggang Senior High School.
















