-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na magkakaroon ng mas maraming ammunition ang Pilipinas at Amerika sa sandaling matuloy ang pagtatayo ng ammunition hub sa Subic, Zambales.
Ayon kay Trump makikinabang dito ang kanilang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific Region.
Nabatid na inaprubahan na ng US Congress ang pondo para dito.
Binigyang-diin ni Trump na ang nasabing ammunition hub ay mahalaga.
Welcome naman para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagtatayo ng nasabing ammunition hub sa bansa.
Naaayon din ito sa kanilang tinatawag na self-reliance defense program.