Hinirang bilang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame ang nasawing NBA star Kobe Bryant.

Bryant Duncan
Bryant and Duncan / Hall of Famers

Magugunitang nasawi ang Los Angeles Lakers star ng bumagsak ang sinasakyang helicopter nito noong Enero kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.

Taong 2016 ng magretiro ito sa 20 taon na paglalaro sa NBA.

Naging NBA Most Valuable Player ito noong 2008 at dalawang beses na Finals MVP at 18 beses na napasama sa All-star games.

Kabilang din siya sa USA team na nanalo ng Olympics noong 2008 at 2012.

Kasama ring nahalal sa Hall of Fame si San Antonio Spurs star Tim Duncan at Boston Celtics star Kevin Garnett.