Ipinagmalaki ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagkapanalo sa kasong isinampa laban sa isang illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Clark, Pampanga.
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, na-award sa gobyerno ang property na pinagtayuan ng operasyon na tinatayang nagkakahalaga ng P6 bilyon, pati na rin ang P185 milyon na nasamsam na pera.
Ang POGO hub ay bahagi ng Lucky South 99 Corp., na may 46 na gusali kabilang ang mga villa at golf course.
Sa raid, 187 katao ang naaresto, ay aabot sa 158 foreigners (kabilang ang Chinese, Vietnamese, Malaysian, Burmese, at Korean) at 29 Filipinos.
May mga ulat din ng human trafficking, torture, at sexual exploitation sa loob ng compound.
Ni-raid din ang Fontana Leisure Parks sa Clark, kung saan pinaniniwalaang nagtago ang mga tumakas mula sa Porac POGO hub.
Nakuha sa mga villa ang mga dokumento na may pangalan ng mga Chinese nationals na umano’y konektado kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.
Isa sa mga naaresto ay tinaguriang “manager” ng Porac POGO hub.
Nabatid na na-forfeit ng korte ang mga ari-arian at pera bilang bahagi ng desisyon.
Naniniwala ang PAOCC na malakas ang ebidensya sa iba pang kaso at inaasahang maipanalo rin ang mga ito sa iba’t ibang korte sa bansa. / Bombo Genesis Racho