-- Advertisements --

Nanawagan si Rep. Leila De Lima sa Ombudsman at DOJ na imbestigahan ang seryosong alegasyon ni Ramil Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte, kabilang ang umano’y planong kandidatura ni Duterte sa 2022 na pinondohan ng POGO at iligal na droga.

Ayon kay De Lima, nakatanggap siya ng handwritten letter at kopya ng notarized affidavit ni Madriaga bago ito ilabas sa publiko, at binisita rin siya ni Madriaga sa BJMP Bicutan noong Disyembre 8. Nilalaman ng affidavit ang mabibigat na akusasyon, kabilang ang malaking halagang pera sa duffle bags at iba pang transaksyon na konektado sa Dutertes.

Idinagdag ni De Lima na habang malinaw ang koneksyon ni Madriaga sa Dutertes, hinihintay niya ang ebidensya para patunayan ang alegasyon tungkol sa pag-deliver ng pera para kay VP Sara. (report by Bombo Jai)