-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si British Prime Minister Lizz Truss anim na linggo mula ng siya ay maupo sa puwesto.

Nabigo kasi nitong tuparin ang kaniyang naipangako na magkaroon ng bawas buwis na ikinadismaya ng mga members of parliament ng na kapartido nito sa Conservative party.

Mananatili ito sa puwesto hanggang mayroong mapiling papalit sa kaniya sa susunod na linggo.

Nauna rito halos 20 mga Conservative members of parliament ang lantarang nananwagan kay Truss na magbitiw sa puwesto matapos na ang ipinatupad nitong tax-cutting na nagdulot ng market meltdown.