-- Advertisements --

Nabigo sa unang round ng Canadian Open sa Monteal si Pinay tennis star Alex Eala.

Tinalo siya ni Marketa Vondrousova ng Czech Republic sa score na , 3-6, 6-1, 6-2.

Sa unang set ay nakuha ni Eala ang panalo subalit pagpasok ng ikalawa at ikatlong set ay doon na umarangkada ang WTA ranked 65 na si
Vondrousova sa laro na tumagal ng dalawang oras at anim na minuto.

Sinabi ni Eala na talagang inasahan niyang magiging matindi ang laban niya kaya ginalingan niya subalit hindi pa rin siya umubra.

Susunod na makakaharap ng Czech player si Marta Kostyuk ng Ukraine sa ikalawang round ng torneo.

Nakatakda namang lumaban ang 20-anyos na si Eala sa Cincinnati Open sa US na magsisimula sa Agosto 7.