-- Advertisements --

Naghahanap na ng alternatibong pagtuturo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang ilang araw na kanselasyon ng pasok sa eskuwela dahil sa pananalasa ng mga bagyo at habagat.

Dagdag pa ng pangulo na mahalaga na hindi maapektuhan ang mga mag-aaral dahil sa kanselasyon ng mga pasok sa paaralan.

Tiniyak naman ng Department o Education na magpapatupad ng ilang mga alternatibong paraan para mahabol ang mga araw kung saan nagkansela ng pasok sa eskuwela.

Magugunitang maraming paaralan ang nagkansela ng pasok ng magkakasunod na araw dahil sa pagdaan ng mga bagyong Crising, Dante , Emong at ang habagat.