-- Advertisements --

Hindi pa rin tumigil ang labanan sa pagitanng Cambodia at Thailand.

Ito ay kasunod na pag-anunsiyo ni US President Donald Trump na nagkasundo ang dalawang bansa ng ceasefire talks.

Aabot na sa 35 katao ang nasawi habang mayroon 200 na iba pa ang sugatan at mahigit 200,000 na ang inilikas dahil sa kaguluhan.

Kapwa inakusahan ng bawat panig na nagsimula silang nag-atake kaya lalong lumala ang kaguluhan sa border.

Nakatakda naman magpulong ang lider ng dalawang panig sa Malaysia para pag-usapan ang ceasefire.