-- Advertisements --

Mahigpit na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang lahat ng mga government agencies na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Kasunod ito sa mga nararanasang pagbaha sa Metro Manila at ilang mga probinsiya sa bansa.

Pinasisiguro din ng Pangulo ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng baha.

Sinabi nito na bago pa man ito magtungo sa US para paunlakan ang imbitasyon ni President Donald Trump ay nakausap niya ang mga namumuno sa iba’t-ibang ahensiya.

Ilan sa mga ahensiya na kaniyang tinukoy ay ang Department of Interior and Local Government (DILG), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr); Office of the Civil Defense (OCD), Department of Health (DOH); Department of Energy (DOE), at Dept. of Social Welfare ang Development (DSWD).

Pinayuhan din ng pangulo ang publiko na sumunod sa mga kautusan ng mga namamahala lalo na tuwing sila ay pinapalikas.