-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao habang marami ang nasugatan dahil sa pagka-diskaril ng tren sa south-west Germany.

Ayon sa operator ng train na Deutsche Bahn, nangyari ang insidente sa Riedlingen malapit sa Stuttgart.

Nasa 100 katao ang sakay ng tren noong ang dalawang bagon nito ay nadiskaril sa riles.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si German Chancellor Freidrich Merz sa mga kaanak ng biktima habang tiniyak nito ang masusing imbestigasyon sa insidente.