-- Advertisements --
Sumabog ang isang water pipeline ng Maynilad Water Services sa kahabaan ng northbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Martes ng madaling araw kasabay ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Maynilad upang ayusin ang nasirang linya ng tubig.
Ayon sa ulat, inaasahang magkakaroon ng pansamantalang water service interruption sa Barangay North Fairview habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
Pinayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig habang nagpapatuloy ang repair works.