Kabul Afghanistan Taliban US Marines evacuees
Kabul, Afghanistan (U.S. Marine Corps photo by Lance Cpl. Nicholas Guevara)
-- Advertisements --

Nagbabala ang domestic intelligence agency ng Britanya na MI5 na isang bagong banta ng terorismo ang ginawang pagkuha ng Taliban sa kontrol sa Afghanistan.

Sinabi ni Ken McCallum ang MI5 head na mayroong anim na nabigong terror plot ang kanilang nasawata noong nakaraang 18 buwan at 31 tangkang terror attack noong apat na taon na nakakalipas.

Mula aniyang nangyari ang September 11, 2001 terror attack sa US ay tinuturuan na lamang ng mga Islamist state militants ang kanilang mga followers sa pamamagitan ng online.

Hindi pa rin sila nagkukumpiyansa na magkaroon ng terror attack sa United Kingdom dahil hindi malayong ito ay mangyari.