Traslacion
Traslacion/ CBCP image

Nakabalik na sa loob ng Quiapo Church ang imahe ng Itim na Nazareno.

Dakong 8:44 p.m. ng makapasok ang andas sa Minor Basilica ng Itim na Nazareno o limang oras mas maaga noong nakaraang taon.

Sa pagtaya ng PNP, umaabot sa ilang milyong katao ang sumama sa mahigit na 16 na oras na prosession.

Naging pahirapan ang pagpasok ng nasabing andas dahil kapal ng tao na sumalubong sa harap ng Quiapo Church.

Ikinatuwa naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang mabilis na ruta ng prosesiyon at tiniyak nito na sa susunod na taon ay mas magiging mabilis pa ang nasabing ruta.

-- Advertisement --

Magugunitang umalis mula sa Quirino Grand Stand ang Andas dakong 4:16 ng umaga at sinimulan ang prosesyon.

Ilan sa mga pagbabago na isinagawa ngayong taon sa taunang prosesyon ay ang ginawang paghihigpit ng mga kapulisan kung saan nahirapan ang mga namamata na makaakyat sa andas.