-- Advertisements --
Niyanig ng lindol na may lakas na 4.6 magnitude ang hilagang bahagi ng Ilocos Sur kaninang alas-7:22 ng umaga lamang.
Ayon sa mga preliminary data, ito ay tectonic in origin o dahil sa paggalaw ng malalaking bato na tinatawag na tectonic plates.
May lalim itong 17 kilometro at natukoy sa karagatan ang sentro ng pagyanig.
Bagama’t itinuturing itong mahinang lindol, maaaring naramdaman ito ng mga residente sa kalapit na bayan.
Patuloy ang monitoring ng mga ahensya para matiyak ang kaligtasan ng publiko.