Pinabulaanan ng billionaire businessman na si Chavit Singson na wala siyang relasyon sa actress na si Jilian Ward.
Unang naging usapan ang umano’y relasyon sa pagitan ng dalawa noong buwan ng Oktobre (2025) kung saan naging maugong ang umano’y pagiging ‘sugar daddy’ ni Chavit kay Jillian.
Tuluyan din itong pinaulaanan ng actress at sinundan ng dating Ilocos Sur governor.
Sa isang panayam ay muling natanong si Singson kung nagkita na ba ang dalawa. Sagot ng dating gobernador, ‘sa awa ng Diyos’ ay hindi pa sila nagkikita.
Binigyang-diin din negosyante ang kaniyang pagnanais na magkita silang dalawa ni Ward upang sabay na pabulaanan ang naturang usapan.
Aniya, hindi sapat ang magkahiwalay nilang pagtanggi sa naturang usapan, kaya’t kailangang sabay silang dalawa na humarap sa publiko at pabulaanan ito.
Sa kasalukuyan, ang dating gobernador ay 84 anyos na habang si Ward 20 anyos pa lamang.















