-- Advertisements --

Inihayag ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na pupunta siya sa Malacañang upang hamunin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinukoy niyang “dating kaibigan,” para magsagawa ng agad-agad na debate tungkol sa umano’y maanomaliyang flood control projects.

Ayon kay Singson, dapat talakayin sa debate kung bakit nananatili sa kapangyarihan si Pangulong Marcos at ang kanyang mga kaalyado.

Samantala, inihayag ni Singson na ngayon lamang niya ihaharap ang umano’y ebidensya laban sa Pangulo at kay dating House Speaker Martin Romualdez, na ayon sa kanya ay ipinagkaloob ng divine providence.

Aniya, si PBBM ay 68 taong gulang ngayong 2026, katulad ng kanyang ama noong 1986, o 40 taon na ang nakalipas, at may simbolikong kahulugan aniya ang numero 40 sa Bibliya bilang pagtatapos at bagong simula.

Hinimok din ni Singson si Pangulong Marcos na sumuko na sa pulisya kaugnay ng kontrobersya at huwag hintaying mauwi ang kaniyang kapalaran tulad ng nangyari kay Muammar Gaddafi ng Libya, na pinatalsik ng pwersa ng mga rebelde.