Inanunsiyo ni dating Gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson ang pinaplanong “one time, big time” rally laban sa korapsiyon, at iniimbitahan ang kabataan, simbahan, uniformed personnel at lahat ng Pilipino na makiisa.
Sa naturang rally, posibleng magmartsa ang mga ito patungong Malacañang.
Sa ngayon, wala pang itinakdang petsa para sa posibleng rally, at ang mga kalahok na grupo ang magpapasya kung kailan ito gaganapin
Samantala, sinita rin ni Singson ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tinukoy ang umano’y multi-billion peso flood control projects sa Ilocos Norte bilang substandard o “ghost” projects.
Kabilang dito ang mga proyekto sa Sarrat, Nueva Era, Adams, Pasuquin, at Piddig, na karamihan umano ay binayaran nang maaga.
Sa tanong kung sakaling kasuhan siya ng sedition kasunod ng kaniyang mga pahayag laban sa Pangulo, matapang na sinagot ito ni Singson sabay nilinaw na hindi siya nanawagan para ipatanggal ang Presidente kundi para tumindig laban sa graft at korapsiyon, kayat hindi aniya ito maituturing na inciting to sedition.
















