-- Advertisements --

Dadalo si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa tatlong araw na rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Nobyembre 16-18.

Subalit paglilinaw niya na hindi ito lalahok sa anumang panawagan ng pag-aklas sa gobyerno.

Tiniyak nito sa publiko na magiging mapayapa ang nasabing rally dahil pawang katotohanan lamang ang kanilang sasabihin.

Magtatalumpati ito tungkol sa graft and corruption subalit hindi ito mananawagan ng destabilisasyon sa gobyerno.

Magugunitang kabilang si Singson na nanawagan kay President Ferdinand Marcos Jr na hindi kaduwagan ang magbitiw sa puwesto dahil sa talamak na nagaganap na kurapsyon sa bansa.