-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na malapit na nilang maabot ang target collection ng taong 2025.
Ayon kay BIR Commissioner Charlie Mendoza na ang revenue collection ay umabot na sa P3.103 trillion.
Inaasahan pa na tataaas pa ang nasabing bilang dahil sa hindi pa nakumpleto ang reporting ng mga authorized agents banks.
Umakyat kasi ang revenue growth noong Disyembre sa 7.5 percent na tila nakabawi mula sa 3.1 percent growth na naitala sa pagitan ng Hulyo at Nobyembre.
Inaasahan din ng opisyal na mahihigitan nila ang target collection ng 2025 na itinakda sa P3.2-T.















