Binisita ni US President Joe Biden ang Texas isang linggo matapos ang pananalasa ng winter storm na nagdulot ng kawalan ng suplay ng kuryente at malinis na inuming tubig.

Ito ang unang pagbiyahe ng pangulo mula ng maupo sa puwesto.

Kasama niya si first lady Jill Biden ay nakipagpulong sila sa local na opisyal doon at tinalakay ang muling pagbangon ng lugar.

Binisita rin nito ang COVID-19 health center sa NRG Stadium kung saan ginaganap ang pagapapabakuna laban sa COVID-19.

Maguugnitang tinatayang nasa 4.3 milyon ang nawalang ng kuryente dahil sa winter storm.

-- Advertisement --