-- Advertisements --
Pinapalikas ng mga otoridad sa Texas ang mga residente dahil sa banta ng matinding pagbaha.
Ang nasabing evacuation order ay matapos ang isang linggo ng dumaan ang matinding pagbaha sa central Texas.
Kabilang sa mga pinapalikas ay ang mga residente ng southeastern San Saba County kabilang ang Colorado Bend State Park.
Ayon sa National Weather Service na asahan ang malalakas na pag-ulan na magdudulot ng pag-apaw ng San Saba River.
Dahil dito ay kinansela ng mga otoridad ang paghahanap sa mga nawawalang residente sa naunang pagbaha sa Kerrville City.
Magugunitang nasa 103 katao na ang nasawi at 140 iba pa ang nawawala sa pagbaha na naganap noong Hulyo 4.