-- Advertisements --

Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng isang bus driver mula sa Kersteen Joyce Transport matapos makuhanan sa video na gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho sa Cavite.

Show Cause Oder / Photo Courtesy from @LTO / FB

Ang insidente ay umani ng batikos mula sa publiko na ayon sa uploader nakita niya ang driver na nag-lalaro sa kanyang cellphone na mukha raw online-gambling.

Natakot daw ang pasahero lalo’t ilang beses daw nawala sa linya ang bus at hindi agad nakapag preno ang driver kapag may sasakyan sa harap.

Agad naman itong inaksyunan ng LTO bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon sa LTO, ipinatawag na rin ang driver at ang may-ari ng naturang bus company upang magpaliwanag hinggil sa insidente.

Samantala, nagbigay ng babala si Transportation Secretary Vince Dizon sa lahat ng mga driver ng pampublikong sasakyan na huwag maging pasaway sa kalsada at sa halip ay tutukan ang pagmamaneho at unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.