-- Advertisements --
Binigyan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang television host na si Ian Red.
Kasunod ito sa pagkalat ng video sa social media na nagmamaneho siya ng walang suot ng seat belt.
Nakita rin ng LTO na bumaba pa ito ng sasakyan habang nasa kalsada at iniwang nakabukas ang pintuan nito.
Agad na pinatawan ng LTO ng 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng TV host habang patuloy ang imbestigasyon.
Inatasan din ng LTO ang registered owner ng SUV na humarap sa tanggapan nila sa darating na Setyembre 29 para sa pagdinig.















