-- Advertisements --

Personal na binisita ni US President Donald Trump ang central Texas na sinalanta ng matinding pagbaha noong nakaraang Linggo.

Kasama nito si First Lady Melania Trump, Homeland Security Secretary Kristi Noem, Texas Gov. Greg Abbott, Sen. John Cornyn at Sen. Ted Cruz.

Inikot ng US President kasama si Texas Governor Greg Abbott at si Kerville city manager Dalton Rice ang mga lugar na labis na sinalanta.

Nagsagawa rin ng pulong si Trump sa mga opisyal ng nasabing lugar.

Magugunitang mahigit 120 katao na ang nasawi habang mayroong mahigit 150 iba pa ang nawawala sa malagim na pagbaha sa nasabing lugar.