-- Advertisements --
Nakatakdang magkita muli sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa White House na gaganpin ang pulong ng dalawa sa San Francisco Bay Arena sa darating na Miyerkules.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawang lider ang mga pangunahing usapin gaya ng giyera sa Ukraine at Russia ganun din ang labanan ng Israel at Hamas militants.
Ang nasabing pagkikita ay inaayos ng ilang buwan bago maisakatuparan.
Ito na ang pangalawang beses na personal na nagkita ang dalawa sa nagdaang tatlong taon.
Ang pinakahuling pagkikita ay noong nakaraang taon sa sidelines ng G20 summit sa Bali, Indonesia.