Arestado ang dalawang chinese national matapos ang ikinasang operasyon ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) at ng Police Regional Office 4A sa Nasugbu, Batangas noong Mayo 4.
Sa isang pahayag, kinasasangkutan umano ng tatlong foreign nationals ang naturang kidnapping incident. Isa dito ay isang Korean national habang ang dalawang chinese national naman ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PNP.
Ayon sa mga biktima, dinukot umano sila ng mga suspek umaga ng Mayo 2 at agad rin namang pinalaya matapos na matanggap ang isang ransom money at mga negosasyon.
Sa pamamagitan ng mga CCTV footages at ilang mga pahayag mula sa mga saksi sa insidente ay natunton ng mga otoridad ang dalawang suspek.
Kinilala ang mga ito bilang sina Huang Yuze, 27 anyos at si Zhao Li Shan, na 29 anyos kung saan naaresto ang dalawa sa isang checkpoint sa Bacoor, Cavite.
Batay sa mga nakalap na reports ay sinubukan pa umanong tumakas ng ma suspek sa isang residential area sa lugar ngunit agad rin namang napigilan ng mga pulis.
Samantala, napagalaman namang in possession of firearms, ammunition at ilan pang mga kagamitan ang mga uspek kung saan partikular na nakuha ang isang .45 caliber na baril at isang 9mm na handgun na kasalukuyan nanang bahgi ng imbestigasyong ikinakasa ng PRO4A.
Noong Mayo 6 naman ay sumailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) kung saan inihanda na ang mga immigration-related charges laban sa mga chinese nationals katuwang anag Bureau of Immigration.