-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at stakeholders na palakasin ang literacy at nutrisyon upang labanan ang kawalan ng kakayahang bumasa at sumulat.

Ayon sa isang ppag-aaral, mahalaga ang nutrisyon, suporta ng pamilya, at komunidad sa pagkatuto ng mga bata, kaya’t inilunsad ng DepEd ang mga programang tulad ng Bawat Bata Makakabasa (BBMP) at School-Based Feeding Program (SBFP).

Binibigyang-diin din ni Pangulong Bongbong Marcos ang papel ng mga magulang sa pagbasa sa kanilang mga anak, na isang mahalagang hakbang sa edukasyon.

Sa Cebu, isinulong ng ang “Alimbukad: Basa Pamilya” upang hikayatin ang pagbabasa sa tahanan, habang sa buong bansa, pinalalakas ang programa upang masigurong may sapat na nutrisyon ang mga mag-aaral.

Sa tulong ng iba’t ibang sektor, layunin ng DepEd na gawing mas inklusibo at mas matibay ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.