Hindi natutuwa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ipinarating na sumbong sa kanya nina Ombudsman Boying Remulla at Interior secretary Jonvic Remulla.
Ito ay may kaugnayan sa tangkang panunuhol sa magkapatid na Remulla na aabot sa isang bilyong piso bawat isa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi nakakatuwa para sa Pangulo na sa gitna ng ginagawa nang mga pag- iimbestiga sa flood control corruption ay mayruon pang nais na mangurap sa mga opisyal na siyang nagpapaimbestiga.
Kaugnay nitoy sinabi ni Castro na wala namang iniutos ang Pangulo kina Ombudsman at SILG na gawing hakbang laban sa mga nagtangkang nanuhol.
Batid naman aniya ng Pangulo na maaasahan ang magkapatid na Remulla at hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho.










