-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi muna nila kailangan ng anumang intervention matapos ang pagbagsak ng halaga ng Peso kontra dolyar.

Ayon sa Malacañang, tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring ng BSP matapos ang makasaysayang pagbagsak ng peso na P59.46 laban sa US dollar noong Huwebes.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang maaring sanhi ng pagbagsak ng peso ay dahil sa geopolitical tensions gaya sa pagitan ng US at Venezuela.

Kasama na rin na dahilan ay ang patuloy na imbestigasyon ng gobyerno sa mga anomalya ng flood control sa bansa.

Para matugunan ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar ay may hakbang na ginagawa nag gobyerno gaya ng pagtiyak ang mabagal na pagtaas ng mga bilihin.