-- Advertisements --

Umaasa si Securities and Exchange Commission Chairperson Emilio Aquino na ipagpapatuloy pa rin ng papalit sa kaniya ang mga programang kaniyang nasimulan.

Sa susunod kasi na buwan ay nakatakdang magtapos na ang kaniyang pitong taon na termino.

Taong 2018 ng italaga ito sa puwesto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga nais nito na ipagpatuloy ng papalit sa kaniya ay ang digital-first policy.

Sa mga susunod na linggo maaring ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang bagong mamumuno sa SEC.