-- Advertisements --

Mahigpit na binilinan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang lahat ng ahensiya na higpitan ang pagbabantay laban sa anumang digital threats na sisira sa May 12, 2025 midterm elections.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro, na mayroon ng mahigpit na ugnayan sa Commission on Elections ang Department of Information
Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Layon nito ay para matiyak ang integridad ng halalan at labanan ang digital security concerns.

Mayroon ng ginawang real-time digital command center ang DICT at COMELEC para i-monitor at i-counter attack ang mga misinformation at disninformation na sisira sa kredibilidad ng halalan.