Nakatakdang bumoto ang kabuuang 4,125 inmate sa iba’t-ibang prisons and penal farms ng bansa sa May 12 elections.
Mula sa mahigit apat na libong inmates, 2,135 adito ay kasalukuyan nakakulong sa New Bilibid Prison.
Kabuuang 924 naman ang kwalipikadong bumuto mula sa Davao Prison and Penal Farm; 421 mula sa Leyte Regional Prison, 290 sa San Ramon Prison and Penal Farm, habang 140 naman ang kwalipikado mula sa Iwahig Prison and Penal Farm.
Sa mga kulungan para sa mga kababaihan, kabuuang 123 mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang kwalipikadong bumuto habang sa CIW-Mindanao ay mayroon ding 92 na nakatakdang bumuto.
Kasabay nito ay inatasan na rin ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang lahat ng mga superintendent ng bawat kulungan na siguruhing maayos ang pag-usad ng botohan.
Una na ring pumirma ang BuCor ng kasunduan kasama ang Commission on Elections, Public Attorney’s Office, at Bureau of Jail Management and Penology para sa pagkakaroon ng ‘inclusive voting environment’ para sa mga inmate na kwalipikadong bumuto.
Ang mga inmate na kwalipikadong bumuto ay yaong mga naghihintay ng trial sa kanilang kinakaharap na kaso, at mga nahaharap sa sentensyang pagkakakulong ng mas mababa sa isang taon.