BEERMEN
-- Advertisements --

Naitala ng San Miguel Beermen ang dalawang sunod na panalo sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ito ay matapos talunin nila ang Barangay Ginebra 111-102.

Mula sa simula ay hawak ng Beermen ang kalamangan.

Naibaba pa sa tatlong puntos ng Ginebra ang kalamangan hanggang umarangkada si Terrence Romeo sa last quarter 106-97.

Bumida si Romeo na nagtala ng 29 points, anim na assists at dalawang steals.

-- Advertisement --

Dahil sa panalo ay mayroong limang panalo at dalawang talo ang Beermen habang ang Ginebra ay nagtala ng tatlong panalo at apat na talo.