Veneto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Polytechnic bill, o ang panukala na layong mabigyan ng national university status ang Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Sa press briefing sa Malacañan, ipinaliwanag ni Communications Usec Claire Castro na nagkaroon na ng direktiba noon pang taong 2016 para sa pagsasagawa ng assessment sa unibersidad.
Ayon kay Castro ang problema, hindi nagkaroon ng compliance para sa minandatong assessment.
Kaugnay nito, sinabi ni Castro na positibo pa rin si Pangulong Marcos na magkakaroon pa rin ng national university status ang PUP, sa oras na makapag-comply na sa lahat ng itinakdang requirements.
Sa oras na makamit ng PUP ang national university status, ilan lamang sa mga benepisyong matatamasa ay ang pinatatag na academic freedom, research, at tech initiatives,
Ang faculty members nito, makikinaban sa pina-igting na job security at sweldo, pinalakas na research opportunities, at mas malinaw na promotion system.