Naglabas ng La Niña Watch ang Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) matapos makita ang tumataas na posibilidad ng La Niña simula Setyembre hanggang Disyembre 2025.
Ayon sa ahensya, mananatiling neutral ang kondisyon ang klima hanggang Agosto-Setyembre-Oktubre, ngunit may 55% o higit pang tsansa ng pag-usbong ng La Niña sa mga susunod na buwan.
Ang La Niña ay karaniwang nagdudulot ng mas malamig na temperatura sa karagatan ng Pasipiko, mas maraming bagyo, at mas matinding pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Inalerto ng PAGASA ang mga ahensya ng gobyerno at mamamayan na maghanda sa posibleng epekto gaya ng pagbaha at landslide, lalo na sa mga vulnerable areas.
Patuloy ang monitoring ng kagawaran sa kondisyon ng klima at hinihikayat ang lahat na sundan ang mga opisyal na update.
“DOST-PAGASA will continue to closely monitor the possibility of La Niña, and its effect on the local climate. All concerned agencies and the public are encouraged to continue monitoring and take precautionary measures against their potential impacts. For more information, please call the Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS), Climatology and Agrometeorology Division (CAD),” saad ng abiso mula sa Pagasa.