Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang pagkatuwa sa ipinataw na suspensyon kay former Criminal Investigation and Detection Group Director General Romeo Macapaz.
Kung saan naniniwala ang naturang kalihim na ito’y nararapat lamang sa dating direktor ng CIDG kasunod ng isyu sa imbestigasyon ng ‘missing sabungeros case’.
Ani kasi Sec. Remulla, may tangkang ilihis o baguhin ni former-CIDG Director Gen. Romeo Macapaz ang teorya ng imbestigasyong isinasagawa sa pagresolba ng kaso sa pagkawala ng mga sabungero.
Ang naturang nasuspindeng dating direktor ng PNP-CIDG ay pinatawan ng 90-day preventive suspension ng National Police Commission.
Kaugnay ang suspensyon sa mosyon ni Ellakim Patidongan, kapatid ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan dahil sa pagkuha umano ni Macapaz ng mga cellphone nila at iba pa.
Kaya’t ang pagkakasuspinde sa dating Direktor ng CIDG ay ikinatuwa maging mismo ni Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.