-- Advertisements --

Kaugnay ng patuloy na imbestigasyon ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mga ulat ng anomalya at iregularidad sa mga proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa flood control, nagbigay ng direktiba ang Pangulo para sa isang malawakang pagsusuri.

Ang direktiba ni Pangulong Marcos ay nag-uutos na magsagawa ng isang “lifestyle check” sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang posisyon.

Ito ay kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro.

Aniya, ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na matiyak ang integridad at accountability sa loob ng pamahalaan at upang matugunan ang mga alegasyon ng korapsyon.

Ang lifestyle check ay isang proseso ng pag-verify ng mga ari-arian, kita, at pamumuhay ng isang opisyal ng gobyerno upang matukoy kung ito ay naaayon sa kanilang deklarasyon ng mga ari-arian, pananagutan, at net worth.