Tiniyak ng Malacañang na aktibo ang National Security Council (NSC) sa pagtugis sa mga banta o nasa likod ng pagi-espiya sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro na bagamat hindi na idinetalye pa ng National Security Council ang mga hakbang nito, dahil sa security reasons, makakaasa aniya ang mga Pilipino na aktibo ang ginagawang monitoring ng pamahalaan sa anomang banta, at sa pagtugon sa mga ito.
Giit ni Castro na seryoso aniyang itinuturing ng gobyerno ang anomang impormasyon kaugnay sa pangi-espiya o paninikik sa Pilipinas ng ibang bansa.
Siniguro rin aniya ng NSC na agad a-aksyunan ang anomang berepikadong intel reports.
Halimbawa aniya dito ang paga-aresto sa ilang foreign nationals kamakailan.
Pagsisiguro ng pamahalaan, mahigpit ang ginagawang ugnayan ng law enforcement at intel units ng gobyerno, laban sa anomang banta ng pangi-espiya sa bansa.
Pinalawak din ng NSC ang kanilang intelligence monitoring hinggil sa umano’y mga espiya.