-- Advertisements --

Sinusugan ng Malakanyang ang ginawang panghihikayat ni VP Sara sa testigong si alias Rene na maghain ng kaso matapos nitong bawiin ang kaniyang testimonsya.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na mas mainam nga daw kung magsasampa ng kaso ang dating Senate witness na si Michael Maurillo o alias Rene kasunod ng alegasypn nitong na-impluwensyahan lang siya sa pagtestigo laban sa mga Duterte at kay Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Castro na kung may kaso ay magkakaroon ng paglilitis at cross examination.

Dito anya malalaman kung nagsasabi ng totoo o hindi si Maurillo tungkol sa diumano’y fake witnesses.

Bago ang kanyang recantation, isinawalat ng testigo sa pagdinig ng Senado na nakita niya ang mga Duterte na may dalang mga armas mula sa ari-arian ni Quiboloy.