San Miguel Beermen
PBA photo

Naitabla sa 3-3 ng San Miguel Beermen ang best of seven PBA Philippine Cup finals nila ng Magnolia Hotshots 98-86.

Mula pa lamang sa unang quarter ay umarangkada ang Beermen kung saan umabot pa sa 22 points ang lamang nila.

Nanguna si June Mar Fajardo sa panalo ng Beermen na nagtala ng 23 points habang mayroong 20 points si Marcio Lassiter at 17 points naman si Chris Ross.

Ikinatuwa naman ni Beermen coach Leo Austria ang panalo nila dahil hindi hinayaan ng kaniyang mga manlalaro ang kahalagahan ng nasabing laban nila.