Inihayag ng Department of Energy (DOE) na magsasagawa ito ng dayalogo kasama ang mga key stakeholders sa sektor ng offshore wind bilang bahagi ng paghahanda para sa ikalimang round ng Green Energy Auction (GEA-5), na inilunsad noong Hunyo 11, 2025.
Ang naturang auction ay kauna-unahang nakatuon lamang sa fixed-bottom offshore wind (OSW) technology.
Kabilang sa mga iimbitahang kalahok ang mga developer ng OSW, industry associations, at mga ahensyang tulad ng Energy Regulatory Commission, National Grid Corporation, Philippine Ports Authority, Department of Transportation, Department of Environment and Natural Resources, at iba’t ibang tanggapan ng DOE.
Ayon kay DOE Undersecretary Rowena Cristina Guevara, mahalaga ang dayalogo upang linawin ang mga probisyon ng draft Terms of Reference at Notice of Auction, pati na ang mga isyung teknikal, regulasyon, at imprastraktura.
Layon ng DOE na masiguro ang maayos at naayon sa koordinasyon ang auction process.
Nabatid na ang dayalogo ay nakatakdang isagawa sa Hunyo 30, 2025, at ipapadala ang mga official invitation sa mga piling kalahok.