-- Advertisements --
Patay ang isang Indian tourist habang tatlo pa ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang helicopter sa Pheriche, Solukhumbu district, Nepal.
Kinilala ang nasawi na si Vasanth Kumar Balaramudu, na sakay ng helicopter ng Fishtail Air, naganap ang aksidente dakong alas-8:11 ng umaga habang kapwa nagtatangkang lumapag ang dalawang sasakyang panghimpapawid at nagkabanggaan ang kanilang mga rotor blade.
Kabilang sa mga nasugatan ang isang turistang mula New Zealand at ang dalawang piloto ng mga helicopter. Agad silang isinugod sa Kathmandu para sa kaukulang medical treatment.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi ng aksidente.












